Will and Riza Loveteam
Will kay Riza na
By: Dennis Aguilar
NGAYON pa lamang ay ginu-groom na bilang magka-loveteam ang dalawa sa napiling Big Four ng katatapos na Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ng ABS-CBN na walang iba kundi sina Will Devaughn at Riza Santos. Si Will ang tinanghal na 4th Big Winner samantalang si Riza naman ay nakuha ang pa-ngalawang puwesto
Kahit sina Boy Abunda at Cristy Fermin ay binansagan ngayong ‘hottest loveteam’ ng showbiz sina Will at Riza. Lagi nila itong binabanggit sa The Buzz tuwing linggo.
Basehan daw ng dalawang sikat na TV host ang sigaw at palakpakan ng fans. Maging sa radio program ni Cristy na Showbiz Mismo sa DzMM, very vocal din si Cristy na marami ang nagri-request na listeners ng latest news about Riza and Will.
Matatandaang noong nasa loob pa ng PBB house sina Will at Riza, pilit pinapareha ni Big Brother ang dalawa. Nang dumating ang guest housemate na si Ethel Booba, ginawang triyanggulo ang loveteam nila sa loob ng bahay. Pero halatang iwas-pusoy si Will kay Ethel.
Ngayong nasa labas na sila, sina Will at Riza na ang ginawang permanent love-team at naiwan sa ere si Ethel. Hindi naman kasi klik ang tandem nila ni Ethel kung kaya’t nagpasya ang ABS-CBN Star Magic na sila na lamang ang gawing magkapareha.
“I like Riza for my permanent loveteam. Alam kong si Ethel ay may ka-loveteam na in real life. Ethel is good, pero si Riza talaga ang mas gusto ko,” paliwanag ni Will.
“In the future, gusto ko rin makasama si Ethel sa ibang project para tuluy-tuloy ang samahan namin. Puwede ring gawing love triangle, di ba?” pautal-utal pang pahayag ng PBB 4th placer.
Samantala, patawa-tawa lang si Riza tungkol sa tuksu-tuksuhan sa kanila ni Will. Okey lang daw na maging magkaibigan at gawing magka-loveteam sila, pero ayaw daw niyang matuloy sa totohanang relasyon ang lahat.
“Pag-aaralan ko muna ang ugali ni Will bago tulu-yang ilapit ang sarili sa kanya. Gusto ko kasi na maging magkaibigan lang kami,” diin agad ni Riza.
Nilinaw rin ni Riza ang isyu na naging boyfriend niya si Mark Bautista.
“Wala kaming naging relasyon. Wala pa rin akong nagiging boyfriend. Kahit noong nasa Canada ako, never pa akong nagka-boyfriend.
“I like Pinoy guy, mas romantiko sila kaysa Canadian! Kung magpu-push through ang career ko sa local showbiz, I want to stay here forever! Dugong Pinoy ako, mas gusto ko ang buhay rito, ang climate, higit sa lahat ang customs and traditions,” dagdag pa niya.
from http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-01-15&sec=3&aid=45860


This post has one comment
January 27th, 2008
sana magkaroon din ng love triangle sina JON,Will at RIZA. during their stay sa PBB gusto ko rin si JON. silang tatlo in fact. kaya nga ayaw kong mapunta siya dun sa magpagmurang c Mariel kasi good person siya just like RIZA. ang nanyayari lang si Mariel di nya binibigyan ng chance na makalapit c JON kay RIZA. Obvious na nilalandi nga niya c Jon.sana, sana, sana maisip nila na bigyan kayo ng teleserye.
Add a comment